Dreams are more than random fragments spun from your waking life. Pay them proper respect and they will reward you with a greater understanding of yourself and your world as you see it.
I really want a unique dream, extraordinary dream. Growing up is a part of exploring. Explore about different games, stumble, loses and learning for the next fight and sweet achievement. Someday there will be a page where countless new people walk into my life. And so it begins my long, long story..
ASPIRE, is the word. Now what do I aspire to be? The way I talk, people think I have it all figured out.
Of course, not that formal education is going to turn me into Bill Gates.
So what do I want to be? Well, when I was a kid, I wanted to be an astronaut or a ninja, but that seems pretty far away, especially since I am in the communication stream (you can make my day, by telling me, how I can still become one). Somehow the idea of flying in an almost surreal world, comets and planets, captivated my imagination.
Well, I have joined for the MBC Star Audition 2010 last November 14 of this year. Luckily, I was given a chance to submit my 5 video entries to Korea (I’m still waiting for the official voting and viewing days. Support me!).
Noong una kong malaman itong audition na ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumali. Nag-isip na agad ako kung anong kanta ang pwede kong i-audition. At sa maniwala kayo at sa hindi, hindi ko talaga naisip yung prize. Ang naisip ko ay yung Korea. Yung idea na, gusto kong pumunta ng Korea. Yun ang pumasok sa isip ko at alam ko na hindi ko dapat palagpasin itong opportunity na ito.
Actually, I’m not a good singer. Pero gusto kong subukan ang mga bagay-bagay na hindi ko normal na ginagawa para naman sa huli, wala akong pagsisisihan. Ayokong pumasok sa isip ko yung salitang “regret”. Ayoko na sa huli, sasabihin ko sa sarili ko na “Sayang! Dapat pala sumali ako. Hindi ko man lang nasubukan. Ano kayang feeling na sumali dun?”. Something like that. And besides, wala namang mawawala sa akin kung ita-try ko di ba? As long as wala akong nasasagasaan at natatapakang tao, why not di ba?
We have this fear of failure. Pero naniniwala ako na hindi ka uunlad kung lagi kang natatakot. Syempre, lagi mong iisipin yung mangyayari sa future. Tapos kung mag-isip ka pa, laging negative. Actually, ganyan din ako dati. Yung tipong, “Paano kung ganito, ganyan?”, “Eh bka kasi..”. Marami sa atin ang ganyan. Minsan naman si “next time” tayo. “Next time na lang, pwede pa naman di ba?” I believe next time is always too far. Hindi natin alam ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay. Hindi natin alam kung hanggang saan, hanggang kalian ang tatakbuhin ng buhay natin. Kaya kung may gusto kong abutin at gawin, bakit hindi mo subukan na i-fulfill yun ngayon pa lang. bakit kailanagan mo pang sabihing “next time na lang” kung pwede mo naman simulan na ngayon?
Naalala ko lang yung sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit nya yun sinabi. Hindi ko alam kung para saan at sinabi pa nya yun sa akin. Ang sabi nya, “Huwag kang magsyadong umasa na may boboto sayo kahit mag-room-to-room ka. Marami ng pangarap na nasira. Wag ka nang gumaya at sumunod pa sa kanila.”
I don’t know if this is just a joke or what. Pero.. nakakairita lang talaga na imbis na i-encourage ka nya, alam mo yun?? Parang gusto ka pa nyang hatakin pababa. Sinabi ko sa kanya na hindi ko malalaman na may boboto sa akin kung hindi ko gagawin yun. DUH! Kung eleksyon nga ginagawa ang lahat eh para alng manalo, ako pa kaya na pangarap makapunta ng Korea ang hindi gagawa ng paraan para lang matupad yun? Sabi sa akin ng tita ko, lahat ng sinasabi sa akin ng mga tao. Lahat yun, challenge sa akin kung itutuloy ko pa ba ito o give up na ako. Dito ko mapapatunayan kung hanggang saan ako. Isa pa, kung gusto ko daw gawin ito, wala naming masama. As long as mabuti naman ang ginagawa ko at wala akong naaapektuhang ibang tao. SUPER LIKE TALAGA!
Minsan sa buhay natin, may mga gusto tayo na hindi natin nakukuha. May mga bagay tayong gustong makamit pero hindi natin minsan maabot. Ganun pa man, don’t consider yourself as a failure. Sadyang nagsasara ang pinto paminsan-minsan pero magbubukas at magbubukas pa rin iyon. Isa pa, lumingon ka lang sa paligid mo. Baka hindi mo napapansin na may nakabukas pa lang bintana sa harapan mo. We are the authors of our own lives. We live in what we have created. Don’t be afraid to take risk. Huwag tayong matakot na gawin yung mga bagay na gusto natin, na abutin yung mga pangarap natin basta nasa tama tayo. Kung may mga kalaban man kayo, kakumpetensya.. wag nyong i-stress ang sarili nyo ng kakaisip sa kanila pero syempre wag din kayong kampante. I mean, just concentrate on the goal, not on the obstacles. Everything is possible, remember! Just plan, act and believe. Tsaka ang mahalaga lagi ay magtiwala kay Lord. He will provide everything just for you. Fulfill your dreams as you reach for the sky! and I will be the brightest star ever, you'll see.
No comments:
Post a Comment